-
NGOs for Fisheries Reform, Panagat and KKAMPi on the Amendments to RA 10654.
IMPLEMENTASYON MUNA BAGO MAG AMYENDA NG BATAS PAMPANGISDAAN!
NAGKAKAISANG PAHAYAG
NG KATIPUNAN NG MGA KILUSAN NG MGA ARTISANONG MANGINGISDA SA PILIPINAS (KKAMPi), NGOS FOR FISHERIES REFORM, INC. (NFR) AT PANGINGISDA NATIN GAWING TAMA (PANAGAT) NETWORK TUNGKOL SA PAG-AMYENDA NG BATAS PAMPANGISDAAN NG PILIPINAS
Nais naming ipabatid sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang aming magkahalong tuwa at pangamba sa ginagawang konsultasyon tungkol sa pag amyenda ng Batas Pampangisdaan ng Pilipinas. Tuwa dahil sa inisyatiba ng ahensya na alamin ang aming pagtingin sa batas subalit may pangamba na maaaring ang pag amyenda ay hindi ang solusyon sa ngayon. Sa aming pagtingin, kailangan muna ipatupad ng maayos ang Batas Pampangisdaan bago pagusapan ang pag amyenda. Kailangan muna magkaroon ng kumprehensibong pagtatasa tungkol sa pagiging epektibo ng batas upang matugunan ang seguridad sa pagkain at sustenableng pag gamit ng rekursong pampangisdaan. Kaya kami sa KKAMPi, NFR at sa PaNaGaT ay nananawagan sa DA BFAR ng mga sumusunod:
Magsagawa ng malawakan at patas na konsultasyon sa bawat rehiyon kasama ang mga kinatawan ng industriya ng pangisdaan at akwakultura tungkol sa kalagayan ng implementasyon ng pagpapatupad ng Batas Pampangisdaan ng Pilipinas. Sa ganitong paraan, binibigyan natin ng proseso ng malayang pagpapasya ang mga maapektuhan kung magkakaroon man ng amyenda sa batas.
Hinihiling din namin sa ating ahensya na palawakin ang representasyon ng mga kakausapin kasama na ang mga academe, scientific community at mga Science Advisory Groups ng mga Fisheries Management Areas (FMAs). Sa ganitong paraan, magagabayan ang ating gagawing pagtatasa ng pagpapatupad ng R.A. No. 10654 ng tamang datos;
Maging batayan ang resulta ng konsultasyon sa pagdesisyon kung nararapat nga ba o napapanahon ang pag amyenda ng nasabing batas;
Tiyakin na ang mga karapatan na nakasaad sa Saligang Batas katulad ng preferential rights sa mga subsistence fishers upang gamitin ang rekursong dagat ay nabibigyan ng garantiya sa batas.
Muli nais namin na ipabatid sa DA BFAR na ang kailangan natin sa ngayon ay ipatupad ang Batas Pampangisdaan sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pondo at tao na may kapasidad na ipatupad ang tungkulin na naaayon sa mandato ng ahensya. Kelangan din tiyakin na ang mga
karapatan ng mga artisano at munisipal na mangingisda ay naisasakatuparan sa batas. Sa ganang ito, lubos na makakaasa ang BFAR sa aming tuloy tuloy na pakikipag ugnayan at pakikipagtulungan upang maayos at epektibo ang pagpapatupad ng Batas Pampangisdaan.
Maraming salamat po. Mabuhay po ang mga Mangingisda sa Pilipinas!
SIGNED:
Ms. Marita Ro guez Executive Director NFR
Robért Ballon, Interim Chairperson, KKAMPi
DInna Umengan, Convenor, PaNaGat Network